Linggo, Pebrero 24, 2013

SULIRANIN NG AGRIKULTURA




Isa sa pangunahing ikinabubuhay ng bansa ay ang sektor ng agrikultura. ang pagunahing taga-gawa sa sektor na ito ay ang magsasaka. Dahil isang mahirap na bansa ang Pilipinas, lubhang napakahalaga nito sa pag-aambag sa ating Pambansang Kita o GNP. Noong nakaraang taon, ang Pilipinas ay nakapagtala ng 6.2% na paglago ng Pambansang Kita, pinakamataas sa nagdaang 15 taon. Humigit kumulang 40% dito'y nagmula sa agrikultura. Ngunit hindi naman maipag kakaila na mayroong kaakibat na suliraning kinakaharap ang ating agrikultura. Ano ano nga ba ang mga suliraning ito?

 1. Kakulangan sa Imprastraktura    at Puhunan.. ito ay isa sa mga dahilan kung bakit mabagal ang pag unlad ng ating agrikultura. maraming produkto ang nasasayang dahil walang pag iimbakan ng mga ito. Sila ay nabubulok, nasisira at nalalanta tulad ng mga gulay at prutas. Walang sapat na halaga ang mga magsasaka para paunlarin ang kanilang produksyon dahil wala silang pambili ng mga makinarya na gagamitin para dito.


2. Pagdagsa ng Dayuhang Produkto
*Globalisasyon at liberalisasyon ang mga dahilan ng pagdagsa ng dayuhang produkto sa ating bansa. Dahil sa pagdagsa ng kanilang produkto ay nagkakaroon ng kakumpetensiya ang ating mga lokal na produkto.


3.Mababang Presyo ng Produktong Agrikultura
*dahil nga may kakumpetensya ang mga lokal nating produkto at bababa ang presyo ng atinng produkto. dahl dito ay nahihirapan makgaroon ng malaking tubo na gagamitin sa kanilang pangangailangan.


4. Paglaganap ng Sakit at Peste



*maraming hayop ang namamtay at hindi napapakinabangan ng dahil sa sakit. Ang mga peste naman sa taniman nag dahilan ng pagkasira ng isang tanim at prutas na dapat at nasasama sa produksyon.










 


May mga suliranin pang kinakaharap ang ating agrikultura at hindi lang ang mga iyan. Bagama't nahaharap ang sektor ng agrikultura sa maramimg suliranin ay nag hahanap pa rin ng solusyon ang ating pamahalaan. Bawat problema ay may solusyon. Ngunit naniniwala ako na ang mga suliraning ito ay malalagpasan ng ating bansa at balang araw ay matutugunan na ang pangangailangan ng bawat tao sa ating bansa. Matutupad ang hiling na umunlad ang ating bansa.













Walang komento:

Mag-post ng isang Komento